Kampanya kontra "RTC" target ng 603rd Brigade

Nakasentro ngayon sa patuloy na paglaban sa Rido, Terorismo at Kriminalidad ang pamunuan ng 603rd Brigade ng 6th Infantry Division.
Ito ang kampanya para sa taong 2018 ni BGen Jesus Sarsagat para sa labing walong bayan na sakop ng kanyang AOR.
Makakamit lamang aniya ito kung patuloy na makikipagtulungan ang bawat LGU Officials katuwang ng publiko sa kanilang liderato.
Kabilang rin sa pagtutuunan ng 603rd ang balik baril program na nauna na rin nilang nasimulan sa mga nagdaang mga panahon.
Matatandaang binigyang parangal ng 6th ID ang 603rd Brigade bilang Best Brigade noong 2017.

Facebook Comments