KAMPANYA KONTRA SA DISINFORMATION AT FAKE NEWS, PINAIGTING NG PULISYA SA DAGUPAN CITY

Pinaigting ng Dagupan City Police Station ang kampanya nito sa disinformation at fake news sa Kabila ng paglaganap nito ngayon sa online platforms.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay PCAPT. Shayne Garcia Daciego, PIO ng Dagupan City PS, naglalabas umano sila ng mga paalala sa kanilang social media platforms ukol sa fake news upang matiyak kung ano nga ba ang mga lehitimong balitang napapanood, nakikita at nababasa online.

Nagbibigay din umano sila ng mga flyers at nagkakaroon ng pakikipagdayalogo sa mga barangay, paaralan at mga opisina upang mapaigting ang pagbibigay kaalaman sa publiko ukol sa epekto ng pagpapaniwala sa mga pekeng balita.

Nagbabala ito na mayroong karampatang parusa ang sino man mapapatunayan na nagpapakalat ng maling impormasyon lalo na sa online.

Paalala nito sa publiko na bago magbigay ng impormasyon o magpost sa social media ay siguraduhin muna ng mabuti at beripikahin upang hindi makapang biktima sa oras na walang basehan o sapat na detalye sa ibinahagi sa publiko.

Dagdag pa niya, mainam na maging responsable sa paggamit ng social media at ugaliing mag fact-checking. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments