Handa si dating Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na ipagpatuloy ang kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa iligal na droga.
Ito ay kung mananalo siya sa presidential race sa 2022 election.
Pero giit ni Marcos, ibang paraan ang ipapatupad niya sa kaniyang kampanya, lalo’t nakikita na nasa enforcement side lamang ang drug war.
Para sa dating senador, kailangan ding tutukan ang prevention, at educational process kung saan tuturuan ang mga bata sa maling paggamit ng ilegal na droga.
Maliban dito, kailangan rin aniyang pagandahin at i-modernize ang rehabilitation center sa bansa at iwasan ang mga returnee sa naturang treatment facilities.
Nitong Martes, October 5 unang inanunsiyo ng dating senador ang pagtakbo sa pagkapangulo ng bansa.