Kampanya kontra sunog mas pinapalakas ng BFP Cotabato

Bilang pakikiisa sa pag -oobserba sa Fire Prevention Month ngayong Marso na may temang “Ligtas Pilipinas ang Ating Hangad, Pag-iingat sa Sunog sa Sarili Ating Ipatupad”, magbibigay ng mga Fire Safety Program ang Bureau of Fire Protection Cotabato.

Ayon sa tagapagsalita ng ng BFP Cotabato na si FO1 Aldrin Narra, bukas sa kanila ang pagbibigay ng Fire Safety Programs tulad ng Seminar at Fire Drill sa mga establishemento. Kailangan lang magrequest para maayos ang schedule nito.

Dagdag pa niya na ang tanging hangarin ng Fire Prevention Month ay para mapataas pa ang kamalayan ng publiko laban sa mapanirang apoy.


Kaugnay nito patuloy ang pagpapaalala ng BFP Cotabato na mag ingat kontra sunog lalo na ngayong panahon ng tag-init. (Zahhir Sinsuat, 3 AB COM, NDU)

Facebook Comments