KAMPANYA KONTRA TERORISMO | Pagkakasama ng Maute sa terrorist list ng USA, ikinatuwa ng palasyo

Manila, Philippines – Welcome development para sa Palasyo ng Malacanang ang pagkakasama ng Maute sa listahan ng Terrorist Group ng Estados Unidos ng America.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, malaking bagay ito para sa kampanya ng Pamahalaan laban sa terorismo.

Pinagtibay lang aniya nito ang matagal nang paniniwala ng pamahalaan na isang terorista ang Maute at ito ay kaalyado ng ISIS.


Sinabi din ni Roque na ang ginawa ng US ay bilang pagkilala din sa mga ginawang hakbang ng pamahalaan para mapalaya ang Marawi City mula sa mga terorista at mapigilan ang pagtatatak ng Islamic Caliphate sa bansa.

Facebook Comments