Kampanya kontra terorsimo, hindi nalagay sa kompromiso kahit pa nabunyag ang ugnayan sa pagitan ng bandidong Abu Sayaf at ng naarestong si Supt. Nobleza

Manila, Philippines – Nanindigan si PNP Chief Ronald Dela Rosa na hindi nalagay sa kompromiso ang kanilang kampanya kontra terorsimo.

Ito ay makaraang mabunyag ang pagkakaugnay sa mga bandidong Abu Sayaf ang naarestong si Supt. Ma. Cristina Nobleza.

Paliwanag ni Dela Rosa – walang nakuhang mahalagang impormasyon si Nobleza kahit pa minsan na iyong nadestino sa PNP Intelligence Group.


Giit pa ni Dela Rosa, tanging ang puso lang ni Nobleza ang nakuha ng bandidong si Renren Dongon.
DZXL558

Facebook Comments