KAMPANYA LABAN COLORUM | Mall owners, mananagot kapag may pumaradang colorum vehicles sa kanilang terminal

Manila, Philippines – Hinimok ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga mall operators na makipagtulungan sa kampanya laban sa mga colorum at out-of-line vehicles.

Sa ilalim ng Memorandum Circular (MC) 2017-30, mananagot ang malls operators kung paparada ang mga ito sa tabi ng establisyimento.

Nais ng ahensya na tiyakin muna ng mga mall owners ang kaligtasan ng kaninang mga customers.


Pagmumultahin ng LTFRB ang mga mall operators sakaling makahuli sila ng colorum vehicles sa kanilang mga terminals.

Facebook Comments