Kampanya laban karahasan sa mga pampublikong sasakyan, inilunsad ng LTFRB

Ikinasa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang malawakang kampanya laban sa gender-based sexual harassment na nararanasan sa mga pampublikong lugar at sasakyan.

Kasunod ito nang paglagda ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz sa Memorandum Circular No. 2023-016 na siyang tumutugon laban sa karahasan sa mga pampublikong sasakyan, alinsunod sa Republic Act No. 11313 o ang Safe Space Act.

Ayon kay Guadiz, hindi lamang sa piling lugar nararapat isulong ang kampan­ya laban sa karahasan kundi maging sa lahat ng uri ng pampublikong sasakyan.


Nakasaad din sa memorandum ang pagbabawal sa pagmumura, catcalling, wolf-whistling, at iba pang misogynistic, transphobic, homophobic, o sexist na pahayag sa mga pampasaherong sasakyan.

Ayon sa LTFRB, may katapat na kaparusahan ang sinumang lalabag sa naturang memorandum.

Facebook Comments