KAMPANYA LABAN SA FAKE NEWS, PINALALAKAS SA DAGUPAN CITY

Pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod ang Resolution No. 8320-2025 na naglalayong itaguyod ang totoo at responsableng pagbabahagi ng impormasyon sa lungsod.

Bahagi ito ng kampanya ng pamahalaang lungsod laban sa pagkalat ng fake news at mapanirang posts sa social media na maaaring makasira sa imahe ng Dagupan at magdulot ng pagkalito sa publiko.

Ayon sa resolusyon, kailangang mapanatili ang tiwala ng mga mamamayan sa mga opisyal na pahayag at impormasyon mula sa lokal na pamahalaan.

Hinihikayat din ang lahat ng Dagupeño na maging mapanuri at huwag basta-basta magpakalat ng impormasyong hindi beripikado.

Sa panahon ngayon, mahalagang maging responsable sa bawat salitang ibinabahagi, para sa kaayusan, kapayapaan, at kaunlaran ng Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments