MANILA – Inupakan ng isang opisyal ng United Nations si Pangulong Duterte sa isyu ng human rights.Sinabi ni UN High Commisssioner Zeid Ra’ad Al Hussein, na kulang ang pag-unawa ng pangulo sa prinsipyo at institusyon ng human rights na nagtitiyak na ligtas ang komunidad.Ang pagbibigay anya ng kapangyarihan sa mga otoridad na patayin ang mga pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga ay pagsasawalang bahala sa hustisya.Nanindigan naman si Presidential Spokesman Ernesto Abella, na alam ng pangulo ang limitasyon ng kanyang kapangyarihan.Malaki rin anya ang respeto ng pangulo sa karapatang pantao, pero hindi ito maaring gamiting dahilan ng mga nasa likod ng ilegal na droga sa bansa.Nakipagkita naman si Philippine Representative to U-N Cecilia Rebong kay Al Hussein, para ipaliwanag ang kampanya ng pamahalaan.Igiit nito, na kinikilala ng pamahalaan ang kahalagahan sa karapatang pantao gayundin ang kasalukuyang sitwasyon ng ilegal na droga sa bansa.
Kampanya Laban Sa Ilegal Na Droga Ng Duterte Administration, Muling Inupakan Ng United Nations
Facebook Comments