CAUAYAN CITY- Tuluy-tuloy ang pagsukol ng mga otoridad laban sa iligal na gamot o droga sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Ayon sa datos na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Unit, mula sa 275 na barangays sa Lalawigan ay nasa 77 na ang drug-free barangay at 189 naman ang drug-cleared barangay habang siyam ang nananatiling drug-affected barangay.
Siniguro naman ni Jojo Gayuma, agent-in-charge ng PDEA Nueva Vizcaya na patuloy ang kampanya laban sa iligal na droga gayundin sa pagsuporta sa mamamayan at barangay officials.
Kaugnay nito, nasa labing limang (15) katao ang naaresto ng kapulisan na sangkot sa iligal na droga sa lalawigan sa buwan ng Mayo hanggang Hulyo taong kasalukuyan.
Facebook Comments