Kampanya laban sa illegal migrants, pinaiigting pa ng Embahada ng Pilipinas

Inihayag ng Embahada ng Pilipinas sa Baghdad sa mga Pilipino na paiigtingin ng gobyerno ng Iraq ang kampanya nito laban sa illegal migrants o irregular na dayuhang manggagawa.

Base impormasyon, ipinarating ng Iraqi Ministry of Interior sa Embahada ng Pilipinas sa Baghdad na tututukan nila ang usapin ng mga iregular na mga dayuhan o mga illegal migrant.

Pinayuhan ng Embahada ang mga Pilipino sa Iraq tungkol sa mga sumusunod:


1. Tiyaking ang iyong tirahan/working visa/permit ay wasto at na-update sa Ministry of Interior;

2. Makipag-ugnayan at tiyakin sa iyong kumpanya na sumusunod ito sa mga patakaran at regulasyon ng gobyerno ng Iraq.

Ayon kay Ambasador Generoso Calonge, sa anunsyo ng gobyerno ng Iraq, ang mga iligal na migrante o hindi regular na mga dayuhang manggagawa sa Iraq na mahuhuli sa panahon ng mga immigration operation ay isasailalim agad sa deportation proceedings.

Para sa mga katanungan, ang mga Pilipino sa Iraq ay maaaring hilingin sa kani-kanilang mga sponsors/company liason officers na direktang makipag-ugnayan lamang sa Directorate for Residence ng Ministry of Interior o magpadala ng isang email sa nationality@moi.gov.iq.

Facebook Comments