Pinaigting ng Lokal na Pamahalaan ng San Carlos ang kampanya laban sa karahasan sa kababaihan at kabataan sa pamamagitan ng sunod-sunod na information sessions sa mga barangay at paaralan.
Pinangunahan ito ng City Legal Office at City Population Commission Office upang ipaalam sa publiko ang mga batas at mekanismong nagpoprotekta laban sa pang-aabuso.
Kabilang sa mga pinuntahang lugar ang Barangay Anando, Balococ, Lilimasan, at Tebag, gayundin ang Malacañang National High School at Abanon National High School.
Nakibahagi sa information campaign ang mga residente, estudyante, at kawani sa talakayang nakatuon sa karapatan, kaligtasan, at pag-uulat ng insidente ng karahasan.
Binibigyang-diin ng mga opisyal na mahalaga ang patuloy na edukasyon upang maiwasan ang pang-aabuso at mapanatili ang isang ligtas at makatarungang komunidad.







