Kampanya laban sa korapsyon ng BIR at BOC sa pamamagitan ng digitalization, inaapura na ayon sa Department of Finance

Minamadali na ng Bureau of Internal Revenue o BIR at Bureau of Customs o BOC ang kani-kanilang kampanya laban sa korapsyon.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsasamoderno ng kanilang operasyon sa ilalim ng digitalization.

Naniniwala si Finance Secretary Benjamin Diokno na ang digitalization ang susi para tuluyang maalis na ang korapsyon sa iba’t ibang ahensiya at kagawaran ng gobyerno.


Sa katunayan aniya, marami nang ginawang digitalization ang BIR at BOC sa nagdaang administrasyon, ang maipapangako raw nila ay pagbubutihin pa ito ngayon.

Sinabi ng kalihim, mayroon nang umiiral na digital transformation program ang BIR na naglalayong gawin na silang data-driven sa pamamagitan ng mga manggagawa na kayang gumamit ng digital technologies para mapahusay pa ang serbisyo ng BIR at mapalakas ang pakikipagtransaksyon ng mga taxpayer.

Sa katunayan, noon aniyang 2021, 93% ng income tax returns ay naihain na electronically at ang mga taxpayer ay inalok ng mas madaling paraan ng pagbabayad ng buwis 24/7.

Facebook Comments