Kampanya laban sa online child exploitation ng PNP, palalakasin

Photo Courtesy: Philippine National Police Facebook Page

Mas pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kampanya laban sa online child exploitation na mas lumalaganap sa bansa.

Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, mas palalakasin nila ang kanilang ugnayan sa mga law enforcement agencies sa ibang bansa na aktibo sa kampanyang ito.

Sa tulong kasi aniya ng impormasyon mula sa Australian Federal Police at US Homeland Security, nakapagsagawa ng magkakahiwalay na operasyon ang PNP Women and Children Protection Center at International Justice Mission sa Tarlac City at Angeles City, Pampanga.


Ayon kay PNP Chief, 20 mga batang biktima ng online sexual abuse ang na rescue.

Sa Tarlac City ay apat ang naarestong suspek, dalawa sa kanila ay mismong magulang ng mga bata habang sa Angeles City ay isang suspek din ang nahuli.

Natuklasan ng PNP ang iligal na gawain na ito nang may mga naarestong suspek na sangkot sa online child sexual exploitation sa Australia at Amerika na ang kanilang mga kasabwat ay nasa Pilipinas.

Facebook Comments