Kampanya laban sa pag-atake sa media, nilagdaan ng CHR at PTFoMS

Lumagda sa kasunduan ang Commission on Human Rights (CHR) at ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) upang mapalakas ang koordinasyon sa pag-imbestiga ng mga karahasan, harassment at red-tagging laban sa mga miembro ng media.

Ayon kay CHR Chair Richard Palpal-latoc, ang partnership ay magbibigay daan sa mas malawak na palitan ng impormasyon at ebedensiya ng dalawang tanggapan.

Layon nito na matiyak na walang mangyayaring overlapping sa kanilang mga mandato.

Ang CHR ay isang independent constitutional body habang ang PTFoMS ay nag-o-operate sa ilalim ng Office of the President (OP).

Facebook Comments