
Mas pinaigting ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang kampanya laban sa pamemeke ng mga travel document.
Ayon sa Commission on Filipinos Overseas (CFO), napag-alaman na may mga biyahero umanong gumagamit ng pekeng CFO certificates, pekeng kontrata sa trabaho at mga pinekeng overseas work permit.
Kung kaya pinayuhan ng ahensya na maging alerto aniya ang publiko at makipagtransaksyon lamang sa mga lehitimong ahensya.
Sinabi naman ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na hinigpitan nila ang inspeksyon sa mga paliparan gaya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at seaports, kasabay ng pagpapaigting ng bagong sistema.
Magdadagdag din ang Immigration Bureau ng personnel at biometric systems sa mga paliparan at makikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA), at mga law enforcement agency upang matukoy ang mga iligal na naaalok ng permit.









