KAMPANYA LABAN SA RABIES, PINAANDAR SA INFANTA SA RABIES AWARENESS MONTH

Sinimulan sa bayan ng infanta ang kampanya laban sa rabies noong Marso 30, 2026 bilang bahagi ng paggunita sa rabies awareness month.

Batay sa ulat, isinagawa ang iba’t ibang aktibidad sa ilalim ng rabies awareness program kung saan tinuruan ang mga residente ng tamang kaalaman hinggil sa pag-iwas sa rabies, kabilang ang mga dapat gawin sakaling makagat ng hayop at ang wastong pangangalaga sa mga alagang hayop.

Katuwang sa naturang aktibidad ang mga barangay health workers at ang Ilocos Center for Health Development, na nagbigay ng teknikal na gabay at impormasyon ukol sa panganib ng rabies at mga hakbang upang ito ay maiwasan.

Tinalakay rin sa programa ang kahalagahan ng responsableng pag-aalaga ng mga alagang hayop, tulad ng regular na pagpapabakuna, tamang pagbabantay, at pagpapanatili ng kalinisan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa komunidad.

Bukod dito, binigyang-diin ng mga tagapagsalita ang pangangailangan ng pagkakaroon ng malinaw na plano at tuloy-tuloy na estratehiya upang mapanatili ang mga hakbang laban sa rabies sa antas ng barangay at munisipyo.

Nagtapos ang programa sa isang pledge of commitment kung saan lumagda ang mga kalahok bilang pagpapakita ng kanilang suporta at pakikiisa sa layuning mapanatiling ligtas ang komunidad laban sa rabies.

Ang naturang kampanya ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng mga lokal at pambansang ahensya upang mapataas ang kamalayan ng publiko at maiwasan ang mga kaso ng rabies sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments