Manila, Philippines – Ikinagalak ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang suporta ng pribadong sektor upang matanggal ang malalang problema sa smuggling sa Bureau of Customs (BOC) na matagal ng suliranin ng pamahalaan.
Ayon kay Lapeña, tanggap nila ang alok na pakikipagtulungan ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. o KSMBPI na pinamumunuan ni D. Michael Aragon at ang kanilang multi-sectoral partners.
Kaugnay nito, umapela si Lapeña hindi lamang sa mga stakeholders ng BOC kundi maging sa mga Civic Organizations na makiisa sa kanya sa pagsusulong ng pagbabago sa ahensiya.
Paliwanag ni Lapeña na hindi matatawaran ang tulong ng komunidad sa kampanya ng Bureau of Customs laban sa smuggling.
Facebook Comments