Kampanya ng DOH laban sa misinformation, suporado ng social media giants

Sumusuporta ang mga technology companies na Facebook, Google, TikTok at Twitter sa kampanya laban sa misinformation ukol sa COVID-19.

Ang Department of Health (DOH) ay naglunsad ng “Check the FAQs” campaign na binibigyang diin ang kahalagahan ng tamang impormasyon sa paglaban sa pandemya.

Hinihikayat nito ang pulbiko na i-fact-check ang mga impormasyong kanilang nababasa.


Ayon kay Dr. Beverly Lorraine Ho, director ng DOH Disease Prevention and Control Bureau and Health Promotion Bureau, malaki ang papel ng mga social media giants sa kampanya partikular sa pagbibigay ng kamalayan sa nasabing inisyatibo.

Ang pagpapakalat ng tamang impormasyon ay maaaring makapagsagip ng buhay.

Layunin din ng “Check the FAQs” na magkaroon ng mapagkakatiwalaang source ng imporasyon tungkol sa COVID-19 at sa mga bakuna.

Sinabi ni Facebook Philippines Public Policy Head Clare Amador, naipalapit nila sa dalawang bilyong tao ang mga impormasyon mula sa health authorities sa pamamagitan ng COVID-19 information center at pop-ups sa FB at Instagram.

Para naman kay Google Philippines Director Bernadette Nacario, tiniyak nilang poprotektahan ang kanilang plataporma tulad ng Search at YouTube mula sa misinformation at ikonekta ang mga tao sa mga maaasahang impormasyon.

Sabi naman ni Tiktok Philippines Head for Public Policy Kristoffer Rada, patuloy nilang aalisin ang mga misleading content at false information patungkol sa COVID-19 vaccine.

Nakipagtulungan na ang TikTok sa fact-checking partners.

Pagtitiyak naman ni Twitter Southeast Asia Head of Public Policy, Government and Philanthropy Monwaree Ampolpittayanant, poprotektahan nila ang COVID-19 public conversation.

Nagpatupad din ang Twitter ang mga bagong polisiya na nag-aapply ng labels sa mga Tweets na naglalaman ng misleading information.

Facebook Comments