Kampanya ng DOJ laban sa terorismo at katiwalian, lalo pang palalakasin sa taong 2021

Paiigtingin ng Department of Justice (DOJ) ang papel nito sa kampanya laban sa terorismo at kurapsyon sa pamahalaan sa papasok na taon.

Inihayag ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra dahil ang DOJ ay bahagi ng Anti-Terrorism Council (ATC) at nangunguna sa TasK Force Against Corruption.

Sinabi ng kalihim na lalo ring palalakasin ng DOJ ang papel nito sa laban sa iligal na droga at sa pagprotekta sa karapatang pantao.


Ayon pa kay Sec. Guevarra, ang mga planong inilatag nila sa 2021 ay ibinatay nila sa pagtaya na pagdating ng kalagitnaan ng taong 2021 ay tuluyang aarangkada ang DOJ kung saan unti unting mababawasan ang mga restriction sa byahe at paggalaw dahil may bakuna na kontra sa COVID-19.

Facebook Comments