Kampanya ng Energy Department sa pagtitipid sa kuryente sa mga tahanan, inilapit na rin sa mga kabataan

Pinalawak pa ng Department of Energy (DOE) ang kanilang kampanya sa pagtitipid sa kuryente sa mga tahanan.

Ito ay matapos na ilapit na rin ng DOE sa mga kabataan ang kanilang kampanya hinggil sa energy conservation.

Ayon kay DOE Director Patrick Aquino, ang mga kabataan ang susunod na henerasyon kaya ngayon pa lamang ay minumulat na nila ang mga mag-aaral hinggil sa kung paano sila makakatulong sa pagtitipid ng enerhiya.


Ayon naman kay Presidential Communications Office (PCO) Director Faith de Guia, ang partnership ng Energy Department at ng PCO ay bahagi na rin ng pagtugon ng pamahalaan sa problema sa climate change.

Una nang pinarangalan ng DOE at ng PCO ang mga estudyanteng nagsumite ng kanilang entry sa sining hinggil sa kung paano makakatipid sa kuryente sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Facebook Comments