Kampanya ng Pilipinas sa Kuala Lumpur Southeast Asian Games, simula na ngayong araw

Sports – Kahit sa Agosto 19 pa ang pormal na pagbubukas ng ika-dalawampu’t siyam na edisyon ng Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sasabak na sa aksyon ngayong araw na ang Team Pilipinas sa football, netball at water polo competitions.

Tatangkain ng water polo team na makapag-uwi ng medalya pero kailangan muna nilang lagpasan ang Thailand.


Thailand din ang kalaban ng Pilipinas sa netball habang haharapin ng men’s football team ang Cambodia habang ang women’s team naman ay makakabangga ang host Malaysia.

Facebook Comments