Kampanya ng PRO2 Laban sa Droga, Pangunahing Dahilan sa Pagbaba ng Crime Rate!

Cauayan City, Isabela – Malaki ang naging hatak ng kampanyang kontra droga sa pagbaba ng crime rate ng rehiyon dos.

Ayon kay Superintendent Chevalier iringan, Police community Relation Officer ng Police Regional Office 2 na ang pagbaba ng index crime sa rehiyon dos ay dahil sa panawagan ni PRO2 Director Police Chief Superintendent Jose Mario Meneses Espino na Alphabet Motto para sa lahat ng kapulisan.

Ito umano ay ang A-B-C-C-D-U-P-E o Always Busy in Catching Criminals, Druglords, Users and Pushers with Emphaty, kung saan kaakibat nito ang puspusang pagpapatupad rin ng batas may kaugnayan sa droga.


Kaugnay nito, umaasa si PCR Iringan na mas baba ang crime index ng rehiyon dos sa susunod na mga taon.

Matatandaan na sa ginanap na pulong sa Regional Peace and Order Council o RPOC sa City of Ilagan kamakailan ay inilatag ang bilang ng crime index sa rehiyon dos na malaki ang ibinaba nito kumpara sa nakaraang taon.

Facebook Comments