Kampanya ni Gabe Norwood para sa FIBA “Dunk of the Decade”, tinapos na ng Iran

Natapos na ang kampanya ni Gabe Norwood para sa FIBA “Dunk of the Decade” matapos itong talunin ni Arsalan Kazemi ng Iran sa botohan.

Nabatid na nakakuha lamang ng apat na pung porsyentong boto (40%) ang slam dunk ni Norwood sa harap ni Luis Scola ng Argentina.

Hindi na rin umabot ng third round ang slam dunk ni Norwood kung saan una nitong tinalo sina Yi Jianlian ng China at Mitch Creek ng Australia.


Makakaharap naman ni Kazemi ang dunk ni Rafael Mineiro ng Brazil na naganap noong 2015 FIBA Americup.

Facebook Comments