Activated na ang Oplan Paalala – Iwas Paputok ng Bureau of Fire Protection Region 1, kahapon.
Ayon sa BFP R1, naglalayon ang kampanya na maingat ang kamalayan ng publiko sa paggamit ng mas ligtas at alternatibong pampaingay kaysa sa mga pamanganib na paputok tuwing pumapasok ang selebrasyon ng pasko at bagong taon.
Sa pamamagitan umano nito ay maaaring mapababa ang aksidente at disgrasya sa paligid.
Namamahagi rin ang tanggapan ng mga torotot sa mga paaralan sa rehiyon bilang pagsuporta sa ligtas na selebrasyon ng pasko at bagong taon.
Patuloy naman ang mga isinasagawang paglilibot ng BFP sa kada local government units sa rehiyon upang patuloy na abisuhan ang publiko at maipalaganap ang paggamit ng alternatibong pampaingay ngayong holiday season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨