KAMPANYA PARA SA MALUSOG NA PANGANGATAWAN NG MGA PULIS, PINAIIGTING

Pinaiigting ng Police Regional Office 1 (Ilocos) ang kampanya para sa mas malusog na pangangatawan ng kanilang mga tauhan upang matugunan ang limang minutong emergency response goal at iba pang tungkulin.

Sa datos noong Hunyo, 1,892 na uniformed at non-uniformed personnel ang natukoy na overweight o obese, habang 7,723 naman ang may normal na timbang.

Binigyan ng isang taon ang mga kailangang magbawas ng timbang upang makamit ang itinakdang pisikal na pamantayan, alinsunod sa direktiba ng pamunuan ng PNP.

Namahagi na rin ng timbangan at tape measure upang hikayatin ang pagbabawas ng timbang.

Isinasagawa ang mga aktibidad tulad ng Zumba tuwing Martes at Huwebes mula 3:00 hanggang 5:00 ng hapon sa lahat ng himpilan.

Alinsunod ito sa Republic Act 6975, na binago ng RA 8551, kung saan ang physical fitness ay patuloy na kinakailangan sa hanay ng kapulisan.

May kaakibat naman na parusa ang hindi pagtupad sa pamantayan ng pambansang pulisya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments