Tuloy ang kampanya ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) para sa polio at measles vaccination sa kabila ng banta ng COVID-19.
Base sa resolusyong inaprubahan ng IATF, papayagan pa ring magsagawa ng immunization acitivities ang mga health personnel sa kanilang lugar anuman ang quarantine status na mayroon ang mga ito.
Habang makikipagtulungan din ang Local Government Units (LGUs) sa mga medical workers para tiyaking mapipigilan ang pagkalat ng sakit.
Sa ngayon ayon sa United Nations Children’s Fund, tinatayang aabot na sa dalawang milyong kabataang Filipino ang hindi pa nabakunahan dahil na rin sa ipinatutupad na restriksyon ng pamahalaan bilang pag-iingat sa COVID-19.
Facebook Comments