CAUAYAN CITY – Bilang pagtataguyod sa responsableng pangangalaga sa mga alagang hayop, nagsagawa ang Coast Guard District North Eastern Luzon (CGDNELZN) ng Anti-Rabies Vaccination, Spay and Neuter Campaign sa Sta. Teresita, Cagayan.
Limang barangay sa nabanggit na bayan ang naging benepisyaryo ng aktibidad kung saan dalawang alagang aso ang nakapon habang 709 pets naman ang nabigyan ng vaccination.
Layunin ng aktibidad na mapatatag ang adbokasiyang responsible pet ownership at mabawasan ang pagkalat ng rabies sa kanilang bayan.
Katuwang ng CGDNELZN ang LGU Sta. Teresita, Provincial Veterinary Office-Cagayan at ang Municipal Agriculturist Office-Sta Teresita.
Facebook Comments