KAMPANYA SA KAHALAGAHAN NG PAG-INOM NG GATAS SA MGA MAG-AARAL SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION, INILUNSAD

Inilunsad sa San Fernando City, La Union ang kampanyang Lakas ng Gatas bilang suporta sa kalusugan at kakayahan ng mga mag-aaral sa Ilocos Region.

Itinuturing na simbolo ng pag-asa at investment ang naturang kampanya dahil sa sustansyang dulot ng gatas na maaaring makatulong sa kakayahang akademiko ng mga mag-aaral at pagkakaroon ng malakas na pangangatawan.

Tiniyak din ng Philippine Carabao Center na kalidad at ligtas ang mga produktong ibinibigay sa mga mag-aaral.

Samantala, nanindigan naman ang Pamahalaang Panlungsod ng San Fernando ng suporta upang makapagtatag ng henerasyon ng Kabataan na manginginom ng gatas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments