Cauayan City, Isabela-Mas pinalakas pa ang environmental advocacy campaign ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Cagayan Valley kung saan lumahok sa virtual environmental education ang mga binansagang ENR Ambassadors mula sa iba’t ibang unibersidad sa rehiyon.
Kinabibilangan ito ng 60 mag-aaral mula sa Cagayan State University (CSU), Isabela State University (ISU), Quirino State University (QSU), Nueva Vizcaya State University (NVSU) at Batanes State College (BSC).
Pinuri naman ni DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ang mga ENR Ambassador sa pagpili sa kanilang kakayahan sa larangan ng public information at environmental advocacy.
Kinilala rin ng opisyal ang kanilang pangako at sigasig bilang mga mag-aaral na tagapagtaguyod ng kapaligiran.
Sinabi naman ni Regional Strategic Communication and Initiatives Group Head Corazon C. Corpuz na ang implementasyon ng ENR Ambassador Project ay inilunsad noong buwan ng Nobyemre 2020 kasunod ng paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng DENR na kinakatawan ni Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan at Presidente ng mga state universities gaya nila CSU President Urdujah Alvarado; ISU President Ricmar Aquino; QSU President Herminigildo Samoy; NVSU President Andres Taguiam; at BSC President Alfonso Simon.
Ang naturang proyekto ay layong makatawag pansin ang mga kabataan sa pagprotekta,pangangalaga at pamamahala sa kapaligiran ng bansa at likas na yaman sa papamagitan ng Information Education at Communication, social mobilization at partnership-building.
Nagpaalala naman si Regional Youth Desk Officer Ralffe Concepcion sa ENR Ambassadors para sa kanilang tungkulin.
Aniya, ang ENR Ambassadors ay inaasahang susulat ng ENR-related articles na isasapubliko gamit ang kani-kanilang school papers, conduct environmental lectures; at produce print, broadcast or social media environmental-related materials.
Umaasa naman ang ahensya na mas maipapalaganap ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran.