Kampanya sa tamang nutrisyon, anti-bullying, rabies awareness, at earthquake drill tututukan ng Pangasinan Provincial Government

*Lingayen, Pangasinan* – Dahil sa problema parin sa malnutrisyon, bullying, rabies, at kakulangan sa kahandaan ng ilang eskwelahan paiigtinging ng Provincial Government ng Pangasinan ang kampanya sa mga nasabing usapin.

Target ngayon ng pamahalaang panlalawiggan na mabigyan ng sapat na impormasyon ang lahat ng sakop ng aktibidad na magkaroon ng tamang nutrisyon bilang suporta sa kampanya ng DOH at National Nutrition Council na naaayon sa selebrasyon ng Nutrition Month. Gayundin ang pagbibigay ng lecture sa anti-bullying upang bigyan ng kaalaman ang mga estudyante, guro, at magulang kung ano ang mga dapat gawin sakaling makaranas ng bullying ang isang bata.

Dagdag din na binigyan ng pansin ngayon ang patungkol sa rabies awareness na karaniwang biktima rin ay mga bata. Dagdag narin dito ang mga earthquake drill upang ihanda ang lahat sa sakaling tamaan ng malakas na lindol ang probinsya.


Nasa ika-6 na taon na ang nasabing aktibidad na may tema ngayong taon na Sama-sama nating ipagpatuloy ang kalusugang serbisyo para sa mga kabataan ng Pangasinan. Target nila ang nasa 2,000 na estudyante kasama na ang mga miyembro ng 4Ps, guro at magulang na nasailalim ng inter-local health zone.
[image: 340px-Pangasinan_Capitol_(Lingayen,_Pangasinan)(2018-02-25).jpg]

Facebook Comments