KAMPANYANG GOODBYE BASURA SA DAGUPAN, PINALALAKAS SA PAGBILI NG BAGONG GARBAGE TRUCKS

Pinalalakas ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang kampanyang “Goodbye Basura” sa pamamagitan ng pagbili ng mga bagong garbage truck upang mas mapabuti ang koleksyon at pamamahala ng basura sa lungsod.

Aminado si Dagupan City Mayor Belen Fernandez na patuloy pa ring nahaharap sa hamon ang lungsod sa waste management, lalo na’t marami pa rin ang hindi sumusunod sa tamang segregation ng basura.

Bilang tugon, mayroon nang anim na bagong mini dump truck ang lungsod na kasalukuyang ginagamit sa pangongolekta ng basura, habang nakatakda ring dagdagan pa ito ng apat na truck sa loob ng taon.

Nakatakda rin umanong magsagawa ang lokal na pamahalaan ng isang conference na tututok sa waste management upang mas mapalakas ang koordinasyon at kaalaman kaugnay ng wastong pagtatapon at pangangasiwa ng basura.

Sa kabila ng patuloy na hamon sa pamamahala ng basura, nananawagan ang lokal na pamahalaan ng pakikiisa mula sa mga Dagupeño upang makamit ang mas maayos, disiplinado, at malinis na lungsod.

Facebook Comments