ABL – Hindi na pinaporma pa ng Alab Pilipinas ang Thailand Mono Vampire sa last game ng championship series sa ASEAN Basketball League.
Nasungkit ng Alab ang kampeonato matapos talunin ang Mono Vampire sa score na 102-92.
Naging bida sa panalo ng Alab ang kanilang mga import na si Renaldo Balkman na may 32-points habang nag-ambag naman si Justine Brownlee ng 24-points at 12-rebounds.
Ito na ang ikatlong beses na nakakuha ng championship ang Pilipinas kung saan taong 2013 at 2010 ng masungkit nila ito.
Facebook Comments