KAMPEONATO | Jessie J, grand champion sa singer 2018

China – Grand champion ng “singer 2018” sa China ang British singer na si Jessie J.

Ang nasabing singer ang tanging contestant na hindi taga-Asia na nanalo sa sikat na reality singing show ng China.

Patok sa mga judges ang kinanta nitong “I will always love you” na pinasikat ni Whitney Houston.


Matatandaan na noong nakaraang taon ay inalok siya na sumali at hindi ito nag-alinlangan dahil nais niyang magkaroon ng tulay ang magka-ibang kultura.

Sa nasabing kumpetisyon ay sumali rin ang sikat na singer ng Pilipinas na si KZ Tandingan pero hindi ito pinalad na makarating sa finals.

Facebook Comments