KAMPEONATO | Mga nanalo sa SWAT Challenge ng PNP, binigyan ng parangal

Manila, Philippines – Binigyan ng parangal ang mahigit 100 pulis at sundalo
na nakilahok sa kauna-unahang SWAT Challenge ng Philippine National Police
(PNP) sa Camp Crame.

Overall champion ang team 2 ng Special Action Force (SAF) ng PNP na
tumanggap ng medalya, plake ng pagkilala at cash prize ng P300,000.

Habang 1st runner up naman ang team 1 ng SAF ay tumanggap ng P200,000 at
2nd runner up na National Capital Region Police Office Rapid Deployment
Company 2 ay tumanggap ng P100,000.


Habang sa AFP Category, itinanghal na kampeon ang team 2 ng Philippine
Airforce.

Ang National SWAT Challenge ng PNP noong March 1 hanggang March 3 sa Davao
at inorganisa ng Directorate for Human Resource and Doctrine Development
(DHRDD) sa pakikipagtulungan sa Philippine Shooters and Match Officers
Confederation (PSMOC).

Sumali sa paligsahang ito ang Command Group, Directorial/Personal Staff,
National Support Units, Police Regional Office, at (5) Police Districts ng
NCRPO.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments