Kampeonato sa iFM Chess Tournament, Naiuwi ng Dalawang Lungsod sa Isabela!

Cauayan City, Isabela- Kapwa naiuwi ng dalawang Lungsod sa Lalawigan ng Isabela ang kampeonato sa katatapos na kauna-unahang Chess Tournament ng na handog ng iFM Cauayan katuwang ang City Sports Office at Cauayan City Chess Club na ginanap kahapon, April 27, 2019 sa SM City Cauayan.

Sa Open Category, mula sa bilang na 115 kalahok, nakuha ni Leonel Cerezo ng Santiago City ang kampeonato matapos makapagtala ng anim na panalo at isang tabla na sinundan nina MacDominique Lagula, Anwar Cabugatan at Reynaldo Buenavida.

Nakuha naman ni Marfred Sanchez ang pang-anim na pwesto, na sinundan nina Robert Mania bilang, Jake Tumaliuan, Gil Bryan Bayaua, at Lambert Arugay bilang 10 th place.


Sa Kiddie Category, mula sa 43 na kalahok, itinanghal bilang Kampeon ang pambato ng City of Ilagan na si Willy Villaruz na sinundan nina Lea Mae Sumido ng Minante Uno, Cauayan City, Jaycol Soleda ng City of Ilagan, Yaneah Sofia Morada ng Tuguegarao City.

Naibigay naman ang pang-anim na pwesto kay Jericho Solaria na sinundan nina Giamaine Guiquing, Theodore Jude Garcia, Angelo Soloria at Yosef Immanuel Morada.

Ang bawat manlalaro ay dumaan sa pitong round sa pamamagitan ng Swiss System sa pangunguna ng Chief Arbiter at presidente ng Cagayan Valley Chess Association (CVCA) na si Mr. John Robert Bumatay.

Dagdag dito, masayang natapos ang laro at bukod sa tropeong iniuwi ng mga nanalo ay mayroon din silang natanggap na cash prize bilang premyo.

Facebook Comments