KAMPEONATO | Tiger Woods, muling nagkampeon pagkatapos ng 5 taon

Welcome back Tiger!

Muling tinanghal na kampeon ang dating world number at 14-time major champion na si Tiger Woods pagkatapos ng limang taon.

Nagtapos ng 11-under par si Woods para makuha ang titulo sa East Lake Golf Club tournament sa Atlanta.


Ito ang una niyang PGA title simula noong Agosto ng 2013.

Lamang si Woods ng dalawang stroke sa pumangalawang si Billy Horschel.

Ayon sa kuwarenta’y dos anyos na si Woods, hindi niya inasahan na mananalo siya sa torneo dahil mahirap ang course, wind condition at magagaling ang kaniyang mga kalaban.

Masaya si Woods na kahit papaano ay natapos din ang limang taon paghihirap nito na muling makabalik sa golf bilang isang contender.

Facebook Comments