Kampihan nina Jake Zyrus at lola niya, okey lang daw kay Raquel Pempengco

Showbiz – Hindi pa rin tatalikuran ni Racquel Pempengco ang kanyang inang si Thess Pineda-Rellucio sa kabila ng pagpabor nito sa anak na si Jake Zyrus.

Matatandang kinampihan ni lola Thess ang naging kwento ng international singer sa kanyang life drama episode sa telebisyon noong Sabado.

Dagdag pa ni mommy Racquel, hindi siya galit sa ginawa ni lola Thess pero inamin niyang hindi niya akalaing kakampihan nito si Jake.


Nakiusap naman si mommy Racquel sa kanyang ina na sana ay siya ang namamagitan sa kanila ni Jake Zyrus.

Sa dulo, nanindigan pa rin ang ina ng singer na kasinungalingan ang ipinalabas na kwento ng kanyang anak.

Facebook Comments