Nagtungo sa Department of Justice (DOJ) ang mag-amang Niño at Sandro Muhlach para maghain ng reklamong rape through sexual assault laban sa dalawang “independent contractors” ng GMA-7 na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz.
Kasama ng mag-ama ang kanilang abogado at mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) na tutulong sa kanila na magsampa ng kaso.
Bukod dito, may kasama rin dalawang witness ang kampo nina Sandro na magpapatunay ng ginawa umanong panghahalay kung saan umaasa ang kampo nito na makuha ang hustisya.
Ayon kay Niño, dahil sa nangyari sa nangyari ay nagkaroon ng trauma ang anak at kinailangang sumailalim ng baguhang aktor sa psychological treatment.
Sinabi naman ng abogado ni Sandro na si Atty. Czarina Raz, bukod sa kasong rape, sinampahan na rin nila ng multiple counts of acts of lasciviousness ang dalawang sinasabing independent contractors ng nasabing TV network.