Kampo ng BIFF nakubkob at mga armas narekober sa military operation sa North Cotabato

Isang pinaniniwalaang kampo ng mga armadong grupo ang nakubkob ng militar sa lalawigan ng Cotabato
Sa report ay pinasok ng tropa ng 34th Infantry Battalion Philippine Army ang Barangay Nabalawag, Midsayap, North Cotabato para tugisin ang grupo ni Kumander Tong Asilon Salem ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters(BIFF) na nabibilang sa Karialan Faction.
Sa pagdating ng tropa ay wala sa kanilang kampo ang mga armado matapos tumakas sakay ng bangka. Sa kanilang paghabol patungo sa masukal na lugar ay nahuli ang dalawang tauhan ni Kumander Salem , kasamang narekober sa bangka ang matataas na uri ng armas na kinabibilangan ng isang M16 armalite rifle, dalawang M14 rifle at mga bala.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments