Kampo ng BIFF nakubkob ng mga otoridad, pagawaan ng Armas at IED bumulaga!

Samot saring mga baril at mga sangkap sa pagawa ng Improvised Explosive Device ang nakumpiska ng military maliban pa sa pagkakaaresto ng 15 mga pinaghihinalaang myembro o taga suporta ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers sa ginawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga elemento ng 6 th Infantry Division sa mga boundaries ng Maguindanao at Sultan Kudarat.

Sa impormasyong ipinarating sa DXMY ni 33rd IB Commanding Officer Lt. Col Harold Cabunoc pinasok nila ang kuta ng BIFF sa bahagi ng Brgy. Tonggol General K. Salipada Pendatun katuwang ang 1st Mechanized Infantry Battalion, 7th Field Artillery Battalion at PNP 4th Special Action Battalion at dito bumulaga ang mga armas kagaya ng Rocket Propelled Grenade Launchers, home-made rifles, handguns at mga bala.

Hinuli rin ng mga otoridad ang 15 ka tao at pinainiimbestigahan ang posibling kasangkutan sa paggawa ng armas,bala at bomba ng BIFF dagdag ni Col. Cabunoc.


Samantala nakatakas naman ang mga target ng operasyon na pinamunuan ni Sukarno Buka alias Buka at Parido Balabagan alyas Banog.

Pinuri naman ni 6th ID Chief,Brigadier General Cirilito Sobejana, ang mga sundalo at pulis sa matagumpay nilang operasyon lalo na sa mga sibilyan na nagbibigay sa kanila ng impormasyon.

33rd ID Pics


Facebook Comments