Kampo ng mga Discaya, inalmahan ang pag-revoked sa lisensya ng 9 nilang kumpanya

Pumalag ang kampo ng mga Discaya sa desisyon ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB), sa pamamagitan ng PCAB Board Resolution No. 075, Series of 2025, nai-revoke ang lisensya ng siyam na construction companies na kontrolado ni Sarah Discaya dahil sa paglabag sa procurement at licensing laws.

Sa pulong balitaan, kinwestyon ni Atty. Cornellio Samaniego III, abogado ng mga Discaya, ang mabilis na desisyon ng PCAB nang hindi man lang muna idinaan sa due process.

Giit ni Samaniego, sumunod sa proseso ang lahat ng proyekto ng mga Discaya at walang ghost project o pinondohan ng mga insertion na pondo.

Lahat aniya ng mga proyekto ay nasa National Expenditure Program (NEP).

Aniya, lahat ng siyam na kumpanya ay walang utang na buwis dahil may tax clearance ang mga ito na inisyu nitong January 25.

Hindi rin umano magtatago ang mga Dizcaya at nakahandang sumipot sa mga pagdinig basta’t may subpoena

Facebook Comments