Kampo ng mga Discaya, itinangging inunahan ang warrant of arrest ng korte kaya sumuko si Sarah Discaya

Pinabulaanan ng kampo ng mga Discaya na inunahan nila ang warrant of arrest ng korte kaya nagkusa nang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si Sara Discaya.

Ayon sa abogado ng mga Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego III, may warrant of arrest man o wala ay talagang haharapin ng kanyang mga kliyente ang akusasyon laban sa mga ito.

Nagkonsulta rin aniya sa mga abogado si Sarah at nang malaman nito na malaki ang tsansang magpalabas ng arrest warrant ang korte, nagpasya na itong kusang sumuko.

Ito rin aniya ang napagkasunduan ng legal team ng mga Discaya para maiwasang ma-harass ang kanilang kliyente.

Nagkusa ring sumuko sa Pasig City Police Station si Roma Rimando ng Discaya-owned St. Timothy Corporation.

Si Discaya at ilang DPWH officials sa Davao Occidental ay nahaharap sa kasong malversation at falsification of public documents kaugnay ng halos ₱100-million ghost project.

Facebook Comments