
Nanindigan ang kampo ng mga Discaya na wala silang ibabalik na pera o assets sa pamahalaan.
Gayunman, sinabi ng abogado ng mga Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego III na kapag ipag-utos ng korte ay tatalima naman ang kanilang mga kliyente.
Iginiit naman ni Atty. Samaniego na hindi dapat ang ehekutibo ang magsabi kung kailangang magbalik ng pera o assets ng mga Discaya kundi ang korte lamang.
Sa ngayon, nananatili naman sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Sarah Discaya matapos na sumuko kahapon.
Facebook Comments









