Kampo ng Parojinog, pinag-aaralan na kung paano makakadalo ang magkapatid na Parojinog sa libing ng kanilang magulang matapos masawi sa operasyon ng PNP

Manila, Philippines – Naghahanap ng paraaan ngayon ang kampo ng mga Parojinog kung papaano makakadalo sina Vice Mayor Nova Princess Parojinog at Reynaldo Parojinog Jr. sa libing ng kanilang magulang na sina Mayor Reynaldo Parojinog SR. at maybahay nitong si Susan Parojinog.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, nais nilang matukoy kung anong korte o anong ahensya ng pamahalaan maari silang makagpahain ng motion to leave detention para makadalo ng libing ang magkapatid na parojinog na ngayon nakakulong sa PNP Custodial Center.

Naisa-ilalim pa lamang kasi aniya sa inquest proceeding ang magkapatid na Parojinog at wala pang kasong naihahain ng kaso sa korte kaya maghihintay sila para sa mga susunod legal process.


Nanatili naman daw malungkot ang bise alkalde sa sinapit ng kanilang pamilya matapos mapatay sa raid ang kanyang magulang.

Facebook Comments