Kampo ng “Poblacion Girl” na si Gwyneth Anne Chua, naghain ng Guilty Plea sa Makati Metropolitan Trial Court

184

Naghain ng Guilty Plea ang kampo ng tinaguriang “Poblacion Girl” na si Gwyneth Anne Chua na lumabag sa Mandatory Quarantine Protocols noong Disyembre.

Humarap si Chua kay Makati City Metropolitan Trial Court Branch 128 Judge Maureen Rubio-Marquez kaninang umaga kasama ang kanyang mga magulang at legal counsel.

Ayon kay Assistant City Prosecutor Rafael Esguerra, matapos ihayag ang guilty plea ay humingi umano ng tawad si Chua sa nagawang “hassle”.


Pinagmulta ng piskalya si Chua ng halagang ₱20,000 dahil sa paglabag sa “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.”

Sinabi naman ng abogado ng security guard ng Berjaya Hotel na si Esteban Gatbonton na hindi maaapektuhan ng guilty plea ni Chua ang hiwalay na kaso nito.

Iginiit ni Atty. Jose Bernas na ang guilty plea ay hindi awtomatikong nangangahulugan ng pag-amin ng kasalanan kundi pagtanggap lamang sa parusa.



Facebook Comments