MANILA – Dumepensa ang kampo ng Rizal Commercial Banking Corporation sa pagdadawit ng ilang mataas na opisyal ng banko sa $81 Million Money Laundering Scam.Sa isang pahayag sinabi ni Atty. Macel Fernandez-Estavillo, Legal Council ng RCBC, na ilang senior official na ng bangko ang pinatawan ng iba’t ibang parusa mula sa suspensyon hanggang sa pagkakasibak sa trabaho.Pero ito aniya ay dahil sa pagkukulang sa kanilang trabaho at hindi sa pakikisabwatan.Una nang sinabi ni dating RCBC Branch Manager Maia Santos-Deguito sa pagdinig sa Senado nitong Martes, Abril 12 na sangkot sa pagpasok ng pera sa bangko si Brigitte Capina, RCBC Regional Sales Director.Ipinakita rin ni Deguito ang palitan nila ng text messages ni Capina kung saan lumalabas na alam nito ang pagpasok sa bangko ng $81 Million, pagdala nito sa remittance company na Philrem na nagdala naman ng pera sa mga casino.Giit pa ni Deguito, kapwa sila interesado si Capina na manatili sa bangko ang pera na naconvert mula sa dollar para sa average daily balance o ADB ng branch.Ang ADB ay ang perang nananitling nakadeposito para kumita ang bangko.Sinabi rin aniya ni Capina na dapat sigurado ang adb dahil sa sinuong na panganip ng RBT nang papasukin ang pera.Ang RBT ay naman ay nangangahulugang Raul Bitan ang Retail Banking Group Head ng RCBC.Samantala … Nagsampa naman ng kasong illegal dismissal sa National Labor Commission si RCBC Senior Customer Relation Officer Angela Torres laban sa RCBC.Giit ni Torres, matapos pumutok ang isyu hinggil sa nakaw na pera mula sa Bank of Bangladesh, isang buwan siyang pinagreport sa rcbc branch sa Makati Avenue pero pinaupo lang siya sa bakanteng kwarto.Bukod rito, binubuntong rin aniya sa kanila ni Deguito ang sisi kaugnay ng pagpasok ng $81 Million.
Kampo Ng Rcbc, Dumepensa Sa Pagdadawit Ng Ilang Mataas Na Opisyal Ng Banko Hinggil Sa 81 Million Dollar Money Laundering
Facebook Comments