Kampo ni Alice Guo, may paliwanag sa mga selfie na larawan

Ipinaliwanag ni Atty. Stephen David na ligtas na mula sa panganib ang kanyang kliyente na si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaya ito nakangiti sa lahat ng mga kuhang larawan nito habang nasa Indonesia pa.

Bukod sa nag-viral ay na-bash din sa social media ang mga selfie na larawan ni Guo na nakangiti at naka “peace sign” kasama ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), Immigration at ilang opisyal ng gobyerno.

Ayon kay David, masaya siya para kay Guo dahil sa tuwing kausap niya ang dismissed na alkalde ay sobrang taas ng stressed level nito at laging umiiyak.


Nilinaw din ng abogado ni Guo na hindi makasuko ang kanyang kliyente noong una dahil sa takot na rin mula sa mga banta ng umano’y Chinese mafia, Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) operators, Chinese spy at kahit mga Philippine National Police (PNP) scalawags na mga kapamilya at kaibigan ang nakakatanggap dahilan kaya hindi alam ni Guo kung sino ang dapat niyang pagkatiwalaan.

Dagdag pa ni David, masaya si Guo dahil ligtas na ang kanyang kinalalagyan dahil pinoprotektahan siya ngayon ng pinakamagaling na security agency ng bansa na PNP kaya hindi na ito ganoong nag-aalala.

Facebook Comments