Kampo ni Andal Ampatuan Jr., planong i-apela ang hatol ng QC RTC

Pinaplano na ng kampo ni Andal Ampatuan Jr. na i-apela ang hatol na guilty ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221.

Si Andal jr. Ay kabilang sa mga hinatulan ng Reclusion Perpetua o habambuhay na pagkakakulong na walang Parole.

Ayon sa abogado ni Andal Jr. na si Atty. Paul Laguatan, maghahain sila ng Motion for Reconsideration sa loob ng 15 araw.


Aniya, ang kawalan ng ballistic examination ay isa sa gagamitin nilang batayan.

Bukod kay Andal Jr., nahatulan din ng guilty sa 57 count of murder ang kapatid nito si dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan, pero ang isa sa kanilang kapatid na si Datu Sajid Islam ay abswelto sa kaso.

Facebook Comments